Upang maipamalas ang diwa ng Kapaskuhan ngayong 2021, inaanyayahan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Jakarta ang lahat na lumahok at makisali sa gaganaping patimpalak sa paglikha ng parol o sa pag-awit ng ‘Christmas carol’ na bukas sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Indonesia.

Sundin lang ang mga alituntunin sa pag-sali ayon sa mga sumusunod:

A – Group Singing

  1. Bumuo ng grupo na hindi kukulangin sa anim (6) na miymebro na kakanta ng Christmas song. Walang age limit sa edad ng bubuong mga miyembro ng iyong grupo.
  2. Ire-rekord ninyo sa isang video (mp4 format) ang inyong pagkanta ng DALAWANG Christmas song sa wikang Ingles at ang isa ay sa wikang Tagalog / Ilokano / Bisaya / o anumang salita sa Pilipinas
  3. Walang limitasyon kung gusto ninyong kumanta na boses lamang o gagamit ng kahit anong instrumento. Basta may dalawang video kayo na gagawin: isang English Christmas song at isang Filipino song.
  4. Upang makalahok, ipadala lamang ang link sa video o ang mismong mp4 file sa email ng Sentro Rizal sa Jakarta, kasama ang listahan ng buong pangalan ng mga miyembro, lungsod/lalawigan sa Indonesia na inyong pinaninirahan, at telepono ng inyong tumatayong group coordinator.
  5. Kailangan ding banggitin sa inyong email na pinahihiintulutan ninyo ang embahada na gamitin, ipalabas, o di-kaya'y i-post sa web site at social media ang inyong video at mga binigay na impormasyon.

Premyo

  • Grand Prize : IDR 5 Milyon
  • First Prize :   IDR 3 Milyon
  • Consolation Prize :  IDR 2 Milyon

  

B – Parol-Making

  1. Ang sukat ng parol ay dapat hindi lalampas sa 120 sentimetrong kabuuang dipa (maximum of 120 cm. diameter)
  2. Pipili ng tatlong pinakamagandang parol at isasabit sa embahada ang nanalong parol mula ika-23 ng Disyembre 2021 hanggang ika-7 ng Enero 2022 (kung papahintulutan ng may gawa).
  3. Maaaring gumamit ng kahit anong materyales para sa parol (electronics, papel, karton, kawayan, tela, plastic, kahoy, shell, atbp.)
  4. Upang makalahok, magpapadala ng litrato ng nagawang parol (3 litrato: habang ginagawa ng kalahok sa umpisa, sa kalagitanaan, at final finished parol) at magsusumite ng listahan ng ginamit na materyales sa paglikha ng parol at binayarang halaga o nagastos na pera, sa email ng Sentro Rizal sa Jakarta. Ang kabuuang halaga ng mga biniling materyales ay hindi dapat lalampas sa IDR 500,000. (Hindi kailangang magpasa pa ng resibo.)
  5. Ibigay din ang inyong buong pangalan, telepono, lungsod / lalawigan kung saan kayo naninirahan sa Indonesia, kaunting pagpapakilala sa inyong likhang parol, inspirasyon o tema ng inyong parol, at banggitin na pinahihintulutan ninyo ang embahada na gamitin ang inyong impormasyon at mga litrato na pinadala, kabilang na ang pag-post ng mga ito sa web site at social media.

Premyo

  • Grand Prize :  IDR 3 Milyon
  • First Prize :    IDR 2 Milyon
  • Consolation Prize :  IDR 1 Milyon

 

Tatanggap ang embahada ng mga lalahok sa pamamgitan ng email sa Sentro Rizal (Jakarta) sa address na [sr.jakartape2016(at)gmail.com] mula ika-22 ng Nobyember hanggang alas-12 ng tanghali lamang ng ika-15 ng Disyembre 2021. Ang mga mapipiling mananalo ay iaanunsyo sa web site o sa aming Facebook page sa ika-20 ng Disyembre 2021

Sali na!