MENU

(ika-10 ng Abril 2020) –– Ipina-aalam sa mga Pilipinong naka-base sa Indonesia na may hawak na mga pasaporteng malapit nang mapaso na maaaring mag-request ng passport validity extension sa Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Jakarta.

Sa kautusan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang pagpapalawig ng validity ng pasaporte ay pinapayagan ngayon lamang panahon ng COVID-19 dahil sa kahirapang bumiyahe at paghihigpit ng galaw ng tao mula sa iba't-ibang lugar na pinatutupad ng mga otoridad at lokal na pamahalaan di lamang sa Indonesia kundi sa lahat ng dako ng mundo.

Ang mga Pilipinong nakatira sa Indonesia na nagbabalak magpa-renew ng kanilang stay permit subali't ang hawak na pasaporte ay mapapaso sa loob ng labing-walong (18) buwan ay maaaring magpasa ng aplikasyon para sa passport validity extension.

Ang mga nagnanais magpasa ng aplikasyon ay kailangang ihanda ang mga sumusunod:

  1. Filled-up Passport Validity Extension form (mada-download dito sa web site).
  2. Kopya ng data page ng pasaporte + kopya ng pahina na may tatak ng labas sa Pilipinas at pasok sa Indonesia.
  3. Kopya ng stay permit (KITAS/KITAP)
  4. Pirmadong sulat ng aplikante na nagpapaliwanag ng pangangailangan ng passport validity extension
  5. Passport booklet

Inaanyayahan ang mga magpapa-extend ng passport validity na magpa-renew na rin ng kanilang mga pasaporte sa lalong madaling panahon. Sa kasalukuyan, isang beses lamang maaaring makapag-extend ng validity ng pasaporte.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang katanungnan tungkol sa transaksyong ito, maaaring mag-email sa jakartaconsular(at)yahoo.com at gamitin ang Subject na "Passport Validity Extension: [Pangalan ng Aplikante]".