Upang maipamalas ang diwa ng Kapaskuhan ngayong 2021, inaanyayahan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Jakarta ang lahat na lumahok at makisali sa gaganaping patimpalak sa paglikha ng parol o sa pag-awit ng ‘Christmas carol’ na bukas sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Indonesia.
Sundin lang ang mga alituntunin sa pag-sali ayon sa mga sumusunod:
A – Group Singing
- Bumuo ng grupo na hindi kukulangin sa anim (6) na miymebro na kakanta ng Christmas song. Walang age limit sa edad ng bubuong mga miyembro ng iyong grupo.
- Ire-rekord ninyo sa isang video (mp4 format) ang inyong pagkanta ng DALAWANG Christmas song sa wikang Ingles at ang isa ay sa wikang Tagalog / Ilokano / Bisaya / o anumang salita sa Pilipinas
- Walang limitasyon kung gusto ninyong kumanta na boses lamang o gagamit ng kahit anong instrumento. Basta may dalawang video kayo na gagawin: isang English Christmas song at isang Filipino song.
- Upang makalahok, ipadala lamang ang link sa video o ang mismong mp4 file sa email ng Sentro Rizal sa Jakarta, kasama ang listahan ng buong pangalan ng mga miyembro, lungsod/lalawigan sa Indonesia na inyong pinaninirahan, at telepono ng inyong tumatayong group coordinator.
- Kailangan ding banggitin sa inyong email na pinahihiintulutan ninyo ang embahada na gamitin, ipalabas, o di-kaya'y i-post sa web site at social media ang inyong video at mga binigay na impormasyon.
Premyo
- Grand Prize : IDR 5 Milyon
- First Prize : IDR 3 Milyon
- Consolation Prize : IDR 2 Milyon
B – Parol-Making
- Ang sukat ng parol ay dapat hindi lalampas sa 120 sentimetrong kabuuang dipa (maximum of 120 cm. diameter)
- Pipili ng tatlong pinakamagandang parol at isasabit sa embahada ang nanalong parol mula ika-23 ng Disyembre 2021 hanggang ika-7 ng Enero 2022 (kung papahintulutan ng may gawa).
- Maaaring gumamit ng kahit anong materyales para sa parol (electronics, papel, karton, kawayan, tela, plastic, kahoy, shell, atbp.)
- Upang makalahok, magpapadala ng litrato ng nagawang parol (3 litrato: habang ginagawa ng kalahok sa umpisa, sa kalagitanaan, at final finished parol) at magsusumite ng listahan ng ginamit na materyales sa paglikha ng parol at binayarang halaga o nagastos na pera, sa email ng Sentro Rizal sa Jakarta. Ang kabuuang halaga ng mga biniling materyales ay hindi dapat lalampas sa IDR 500,000. (Hindi kailangang magpasa pa ng resibo.)
- Ibigay din ang inyong buong pangalan, telepono, lungsod / lalawigan kung saan kayo naninirahan sa Indonesia, kaunting pagpapakilala sa inyong likhang parol, inspirasyon o tema ng inyong parol, at banggitin na pinahihintulutan ninyo ang embahada na gamitin ang inyong impormasyon at mga litrato na pinadala, kabilang na ang pag-post ng mga ito sa web site at social media.
Premyo
- Grand Prize : IDR 3 Milyon
- First Prize : IDR 2 Milyon
- Consolation Prize : IDR 1 Milyon
Tatanggap ang embahada ng mga lalahok sa pamamgitan ng email sa Sentro Rizal (Jakarta) sa address na [sr.jakartape2016(at)gmail.com] mula ika-22 ng Nobyember hanggang alas-12 ng tanghali lamang ng ika-15 ng Disyembre 2021. Ang mga mapipiling mananalo ay iaanunsyo sa web site o sa aming Facebook page sa ika-20 ng Disyembre 2021.
Sali na!