MENU

Ipinaaalam ng Pasuguan ng Pillipinas sa mga Pilipino sa Indonesia na may panukalang pagdalaw sa Jakarta ang Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa parating na buwan ng Setyembre 2022.

Kaugnay sa panukalang pagdalaw, magbubukas ng “online registration portal” ang Pasuguan upang makapagparehistro ang mga Pilipinong nais dumalo at makiisa sa inihahandang pagtitipon upang makasama ang Pangulo. Ang tiyak na petsa, lugar, at oras ng gaganaping pagtitipon ay ipaaalam sa mga kumpirmadong naka rehistro sa mga nalalapit na mga araw.

Upang mapaghandaan ang napipintong pagsasama-sama, mangyaring makapagparehistro sana ang lahat ng nagnanais dumalo bago magtapos ang Biyernes, ika-26 ng Agosto 2022 sa link na ito:

https://tinyurl.com/PBBMinIndonesia2022

Inaasahang magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang mga otoridad ng Indonesia sa takdang araw ng pagtitipon kasama ang Pangulo kaya’t tanging ang mga nasa talaan lamang ng rehistradong dadalo ang maaaring papasukin sa pagdadausang lugar. Inaasahan namin ang inyong suporta at pang-unawa. 

Aming hinihikayat ang lahat na makibahagi sa nalalapit na pagtitipon at sumunod sa mga nakatakdang patakarang-pangseguridad at pangkalusugan na ipatutupad sa nalalapit na okasyong ito. 

Maraming salamat po.


MGA ALITUNTUNIN UPANG MAKADALO SA PAGTITIPON KASAMA ANG PANGULO

 I – Sino ang maaaring magpatala at dumalo?

  • Lahat ng mamamayang Filipino sa Indonesia 

II – Paano magpatala / makapag parehistro ang nais dumalo? 

  • Sadyain ang link para sa online registration at sagutan ang mga hinihinging detalye at personal na impormasyon (gaya ng buong pangalan, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, numero ng pasaporte, email, atbp). 

  • Bawat dadalo ay kailangan ng sariling rehistro (One registration per person – All persons in a family/group must register individually) 

  • Mag-upload ng malinaw na kopya ng Philippine passport / valid photo ID 

III – Paano malalaman kung kasama ako sa talaan ng maaaring pumunta?

  • Makakatanggap ng email mula sa embahada na nagpapatunay na kayo ay nakalista sa talaan ng maaaring dumalo

PAALALA:

Abangan ang confirmation notice sa INBOX (silipin din sa Spam o Junk folder) ng inyong email account na nagpapatunay na kasama ang inyong pangalan sa listahan ng kumpirmadong nakapag patala.

Ang confirmation notice ay matatanggap sa mga huling araw ng Agosto.

IV – Ano ang dadalhin ko sa takdang araw ng pagtitipon sa Setyembre?

  • Philippine passport (o valid photo ID) na ginamit sa pagrerehistro online.

  • Confirmation notice o email ng embahada na nagpapatunay ng inyong pagkakarehistro*

    [*alinman sa hard copy o ipakita ang email confirmation sa smartphone]

  • Maaaring kailanganin ang resulta ng negative antigen test. Matitiyak ito sa mga susunod na anunsyo. 

 

Takdang Bihis / Kasuotan: Smart casual o Filipiniana

May kaunting salu-salo (simpleng pameryenda) na inihanda para sa mga dadalo sa okasyong ito.

 

MARAMING SALAMAT SA INYONG TULONG,
SUPORTA, PANG-UNAWA AT PAKIKIISA!